Boluntir!

Kasama ko ang ilang kaibigan na nagboluntaryo para sa relief operations para sa mga biktima ni ondoy. Sa effort na ito muli na namang napatunayan ang kagandahan ng kalooban ng mga pinoy. Talagang umuulan ang doonasyon at mga boluntir na dumagsa upang makatulong. Karamihan ng mga nadoon ay mga kabataan, mga estudyante sa iba’t ibang paaralan. Siyempre, meron din namang mga empleyado sa gobyerno, NGO at sa pribadong sektor. Op cors, me mga nakausap din ako na wala daw mga trabaho sa kasalukuyan. :). At may mga militar din. Natuwa din ako dahil hindi nila inintindi ang pagod at sakit ng katawan dahil kahit papaano, talaga namang nakakapagod din ang magbalot at magbuhat ng mga goods na ipapamahagi sa mga kababayang nasalanta. Bagkus, ang lahat ay may mga ngiti sa labi kasabay ng halakhakan habang nagbibiruan.

Eto lang ang aking mga puna:

1. May ibang mga relief centers na disorganized pa rin dahil halos walang nag-coordinate kung ano ang mga gagawin ng mga boluntir na nagpunta.
2. May mga donasyon na hindi naman ata praktikal na ibigay sa ganitong okasyon. Katulad na lamang ng handbags, swimsuits, etc.  Hala! ano ba yan?
3. May mga donasyon ng de lata… pero walang abre-lata.. at iba pang pagkain na kailangan pang lutuin para makain.
4. May mga relief packages na may lamang toothpaste.. pero walang toothbrush. Diba partner yun?
5. Maramimg atang nasayang na bigas dahil hindi maayos ang pagkakasalin sa mga relief packs.
6. Eto ang masaklap na obserbasyon:

Umulan at bumagyo talaga ang donasyon pero, umulan at bumagyo din ang relief packs na naka plastic. Plastic na itatapon sa kanal at kung saan-saan pa na siyang babara sa ating drainange system… na siya na namang magiging sanhi ng malawakang pagbaha.


At pagkatapos ay ano? Paikot-ikot lang tayo.

Actually, na-isuggest ko din na sana may magdonate ng recyclable bags o kaya ay green bags para sa mga relief packages na ipamamahagi sa mga biktima.

O diba, mas bongang-bonga?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s